Total ban sa e-cigarette inihirit kay Pang. Duterte

By Jan Escosio July 13, 2018 - 07:11 PM

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang health group para magkaroon ng total ban sa paggamit ng electronic cigarettes o e-cigar.

Sinabi ni Mary Ann Mendoza, ang pangulong ng Health Justice Group, nais nila na ipahinto ni Pangulong Duterte sa buong bansa ang pagbebenta at paggamit ng e-cigarettes at vapes tulad nang ginawa nito sa Davao City.

Aniya layon lang nila na mailayo ang mga kabataan sa panganib dulot ng nauusong alternatibo sa sigarilyo.

Ibinahagi ni Mendoza ang ulat ng World Health Organization noong nakaraang taon kung saan sinasabi na seryosong panganib sa kalusugan, maging sa mga fetus ang dala ng paggamit ng e-cigar.

Binanggit din nito ang pag aaral na isinagawa ngayon lang taon ng The National Academies of Sciences, Engineering and Medicine kung saan lumabas na may matibay na ebidensiya na bukod sa nicotines, karamihan sa mga e-cigarrettes ay ginagamitan ng mga delikadong sangkap.

Bukod pa dito aniya ang panganib maging sa mga hindi naman gumagamit nito ngunit nalalanghap ang usok na mula sa mga mapanganib na kemikal.

TAGS: e-cigarette, Health, Radyo Inquirer, WHO, e-cigarette, Health, Radyo Inquirer, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.