Maritime schools pangangasiwaan na ng CHED ayon sa Malakanyang

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 05:44 PM

Ang Commission on Higher Education (CHEd) na ang mangangasiwa ngayon sa mga maritime school para matiyak ang pagsunod nila sa standards ng European Union (EU).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng CHEd maging ng Maritime Industry Authority para mapangasiwaan ng CHEd at makapagsagawa ito ng inspeksyon sa lahat ng maritime schools.

Sinabi ni Roque na mahalagang mabantayan ang mga maritime school lalo pa at napakaraming Pinoy na nagtatrabaho bilang seamen.

Ani Roque, target ng pamahalaan na makahabol sa deadline para sa pagsusumite ng plano para makatugon sa requirements ng EU.

Una rito, naglahad ng pagkabahala ang European Maritime Safety Agency (EMSA) na regulatory arm ng EU hinggil sa pagtugon ng Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).

Mula 2006, nagpapadala na ng audit team ang EMSA sa bansa para matiyak na kwalikipikado ang mga Filipino seafarer na nagtatrabaho sa mga EU-flagged vessels.

 

TAGS: CHED, Maritime Schools, Radyo Inquirer, CHED, Maritime Schools, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.