SEC nagbabala sa isang kumpanya na lumilinya sa network scheme

By Jan Escosio July 13, 2018 - 01:47 PM

Nagpalabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa pamumuhunan sa Building Our Success Stories (BOSS) Network Inc.

Ayon sa SEC bagamat rehistrado sa kanila ang naturang grupo wala itong lisensiya para mangalap ng puhunan sa publiko.

Sa abiso ng ahensiya ang rehistro ng BOSS Network ay direktang magbenta ng mga produkto sa publiko.

Dagdag pa sa abiso kinakailangan munang kumuha ng karagdagang lisensiya ang isang grupo bago ito maaring mag-alok, mangalap, magbenta o mamahagi ng invesments at securities.

Naglabas ng abiso ang SEC, matapos may makarating sa kanilang impormasyon na nangangalap ng miyembro ang BOSS Network sa pamamagitan ng mga pakete na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P382,500 bawat isa.

TAGS: BOSS Network, Radyo Inquirer, SEC, BOSS Network, Radyo Inquirer, SEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.