19 patay sa pagsabog sa chemical plant sa China

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 11:16 AM

Patay ang labingsiyam na katao sa pagsabog na naganap sa isang planta ng kemikal sa Southwest China.

Maliban sa mga nasawi mayroon pang labingdalawa na nasugatan sa insidenteng nangyari sa industrial park sa Yibin City sa Sichuan province.

Ang gusali na pinagmulan ng pagsabog ay ang Hengda na isang chemical manufacturer.

Ayon sa mga otoridad stable naman ang kondisyon ng mga dinala sa ospital.

Sa nagdaang mga taon, ilang industrial accidents na ang naitala sa China.

Noong November 2017, may naitala na septic tank explosion sa Ningbo sa Shanghai.

Taong 2015 nagkaroon ng chemical blasts sa isang container storage facility sa Tianjin na ikinasawi ng 165 na katao.

TAGS: China, Radyo Inquirer, Yibin City, China, Radyo Inquirer, Yibin City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.