12 sugatan sa pagsabog sa Cairo Airport
Umabot sa labingdalawang katao ang nasugatan matapos ang pagsabog na naganap sa labas ng Cairo International Airport.
Pinaniniwalaang pawang empleyado ng Heliopolis Chemical Industries ang mga nasugatan sa insidente.
Ayon kay Egyptian army spokesman Col. Tamer Rifai posibleng ang pagsabog na naganap sa on-site fuel storage facility ay dahil sa matinding init ng panahon.
Agad nagtalaga na ng mga tauhan ang civil defense sa lugar para tumulong na maapula ang apoy.
Nagdulot ang insidente ng pansamantalang pagsasara ng paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.