Kasong rape ni Vhong Navarro ibinasura ng DOJ

By Len Montaño July 13, 2018 - 12:00 AM

Vhong Navarro IG

Pinagtibay ng Department of Justice (DOJ) ang una nitong pagbasura sa kasong rape at attempted rape laban sa aktor at television host na si Vhong Navarro.

Inakusahan ng modelong si Deniece Cornejo si Navaroo ng 2 counts of rape na umanoy nangyari sa kanyang condominium noong Januaray 17 at 20, 2014.

Sa bagong resolusyon ng DOJ, ibinasura ang apela ni Cornejo na baligtarin ang resolusyon ng DOJ Prosecutor General noong September 6, 2017.

Sa unang resolusyon ay hindi pinayagan ang rekomendasyon na litisin si Navarro.

Unang sinabi ng ahensya na walang sapat na ebidensya para litisin ang aktor sa kasong isinampa ni Cornejo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.