Bello hinamon si Bertiz na patunayang nakinabang siya sa OFW IDs

By Rhommel Balasbas July 13, 2018 - 12:30 AM

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang mga patutsada sa kanya ni ACTS-OFW Rep. Aniceto “John” Bertiz III tungkol sa mga OFW IDs o iDOLE.

Hinamon ng kalihim si Bertiz na patunayan na nakatanggap siya ng kahit piso mula sa naturang proyekto.

Sa isang panayam, sinabi ni Bello na agad siyang magbibitiw sa pwesto sakaling mapatunayan ni Bertiz ang kanyang mga akusasyon.

Matatandaang inaakusahan ni Bertiz ang DOLE na naniningil ng P720 para sa ID na wala naman anyang gamit.

Iginiit ni Sec. Bello na ang ID ay libre at ang sinumang nanghihingi ng bayad para rito ay hindi awtorisadong maningil.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na ipinahinto na nila ang proyekto matapos nyang malaman na may mga tao sa labas at loob ng kanyang kagawaran na nais itong pagkakitaan.

Ihihinto ang naturang proyekto hanggang sa makahanap ng paraan na maipamamahagi ito ng hindi gumagastos ang gobyerno lalong-lalo na ang mga OFWs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.