Roque nag-init ang ulo kay Hilbay, hinamon na ipa-impeach ang pangulo

By Chona Yu July 12, 2018 - 07:27 PM

Hinamon ng Malacañang si dating Solicitor General Florin Hilbay na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung kumbinsido si Hilbay na hindi isinusulong ng pangulo ang interes at karapatan ng bansa sa disputed islands at kung hindi ipinatutupad ang arbitral ruling ng United Nations Convention on the Law of the Sea kung saan nanalo ang Pilipinas.

Kung hindi man aniya maghahain ng impeachment si hilbay, mas makabubuting dumulog na lamang ito sa Korte Suprema.

Sinabi din ni Roque na handa ang ehekutibo na sumagot at dumepensa sa anumang kasong isasampa ng anumang grupo sa Korte Suprema.

Binuweltahan din ng palasyo si dating Department of Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario dahil inupuan lamang nito ang panalo ng bansa sa The Hague ruling kaugnay sa mga pinag-aagawang isla.

Nauna nang sinabi ni Del Rosario na naging willing victim lamang ang Pilipinas at naging dehado sa gusot sa West Philippine Sea.

TAGS: duterte, Hilbay, impeachment, Roque, solicitor general, duterte, Hilbay, impeachment, Roque, solicitor general

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.