Mga nagpakalat ng tarpaulin na “Welcome to the Philippines, Province of China,” kalaban ng estado – Malacañang

By Chona Yu July 12, 2018 - 12:39 PM

FILE

Mga kalaban ng estado ang itinuturo ng Malacañang na nasa likod ng mga tarpaulin sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na nagsasabing “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang katotohanan at malaking kalokohan lamang ang mensahe ng mga tarpaulin na ikinabit sa mga overpass.

Payo pa ni Roque sa mga kalaban ng estado, maghanap ng ibang gimik na papatok at makasisira sa administrasyon.

Nanindigan pa si Roque na hindi isinusuko ng pamahalaan ang alinpamang teritoryo ng Pilipinas.

Maari aniyang nang-uudyok lamang ang mga kalaban ng estado.

Wala namang balak si Roque na ipatanggal ang mga tarpualin pero maari naman aniyang i-recycle ang mga ito at gawing pamunas ng sahig, gawing bubogn o pantrapal sa mga palikuran.

Kuha ni Jong Manlapaz

Ngayong umaga ay bumulaga sa maraming motorista ang kulay pulang tarpaulin sa Philcoa footbridge sa Quezon City, P. Tuazon sa Quezon Avenue, at mayroon din sa papuntang Ninoy Aquino International Airport.

 

TAGS: China, Harry Roque, Malacañang, Pilipinas, Tarpaulin, China, Harry Roque, Malacañang, Pilipinas, Tarpaulin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.