Ex-DOT Sec. Wanda Teo, posibleng maharap sa kasong graft – COA
Posibleng maharap sa kasong graft si dating Tourism secretary Wanda Teo kaugnay ng paglalagay ng advertisements sa programa ng kanyang kapatid sa People’s Television Network, ayon sa Commission on Audit.
Sa 2017 audit report, sinabi ng COA na posibleng may conflict of interest sa memorandum of agreement ng Department of Tourism at PTV at nakasama sa gobyerno. Ito ay dahil 75% o P89.9 milyon ng P120 milyon na pondo para sa advertisements ay napunta sa Kilos Pronto.
Nagsilbing producer ng Kilos Pronto ang kapatid ni Teo na si Ben Tulfo sa ilalim ng Bitag Media Unlimited Inc.
Ayon sa COA, dahil magkapatid ang kalihim at ang producer ng Kilos Pronto, posibleng may naging paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinabi naman ng DOT na wala conflict of interest sa kasunduan dahil ikinunsidera ng Bids and Awards Committee na natugunan na Teo ang usapin sa propriety bago pa man isumite ito.
Una nang sinabi ni Teo na walang conflict of interest kaugnay nito dahil sa pagitan ng DOT at PTV ang kontrata.
Matatandaang nagbitiw sa pwesto si Teo sa gitna ng kontrobersya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.