Anibersaryo ng pagkakapanalo ng bansa sa isyu ng West PH Sea, ginugunita ngayong araw
Ginugunita ngayong araw ang ikalawang anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa International Tribunal sa isyu ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Ilang grupo ang nagkasa ng aktibidad para sa gunitain ang tagumpay ng bansa sa naging pasya ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague.
Ang grupong “Manindigan Na” nagkasa ng aktibidad sa Rockwel kung saan inaasahang magiging panauhin nila si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Magbibigay ng pahayag si Carpio hinggil soberanya ng bansa.
Si Carpio ay isa sa mga nagsusulong sa tagumpay ng Pilipinas sa pagmamay-ari sa West Philippine Sea.
Samantala, idadaan naman sa kilos protesta ng isang grupo ang paggunita sa ikalawang anibersaryo.
Magtutungo ang mga miyembro ng Kilusang Makabansang Ekonomiya at Akbayan Partylist sa embahada ng China sa Makati City para ipakita anila na handa ang mamamayan ng Pilipinas na ipaglaban ang teritoryo.
Tinawag nilang “Kilos Protesta laban sa Pagsuko ng ating Soberanya” ang gagawing pagkilos.
Kasama sa mga lulusob sa Chinese Embassy sa Gil Puyat sa Makati sina Caloocan Bishop Degracias Yñiguez, Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin at KME Chairperson Jimmy Regalado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.