20 katao arestado sa operasyon ng PDEA sa Quezon City

By Alvin Barcelona July 12, 2018 - 12:00 AM

Nasa 20 katao ang dinampot ng mga awtoridad sa anti-drug operation sa isang drug den sa squatters area sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pagasa sa Quezon City hapon ng Miyerkules.

Kasunod ito ng pagsisilbi ng search warrant ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD).

Kasama sa target ng warrant ang isang alyas Kuya, Junior, at Putol.

Kabilang sa naaresto ang isang buntis na sinasabing kilabot na tulak ng droga sa lugar.

Patuloy ang pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang mga droga mula sa mga sinalakay na bahay.

Base sa inisyal na report, nakarekober na mula sa drug den ang 22 sachet ng hinihinalang shabu 32 sachet ng marijuana, mga naka-ziplock na pinatuyong marijuana at mga drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.