Mataaas na inflation rate nakaaapekto na rin sa employment ng mga kumpanya
Napwersa na umano ang ilang kumpaya na magdalawang-isip kung kukuha pa ng mga bagong empleyado sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.
Ayon sa recruitment website na Jobstreet.com, ramdam ng mga employers ang pagsipa ng presyo ng petrolyo at raw materials sa kanilang mga produkto.
Ang industriya na nakadepende sa asukal ang pinakamatinding naapektuhan ng unang package ng tax reform law na naging epektibo noong January 1 dahil sa tumaas na excise tax sa sugar-sweetened drinks gaya ng soft drinks at juice drinks.
Sinabi ni Jobstreet.com Philippines country manager Philip Gioca na pinag-aaralan na ng ilang kumpanya kung paano mapataas ang produksyon ng hindi kumukuha ng mga bagong manggagawa.
May ilang kumpanya naman aniya na nagtanggal na lang mga empleyado o ipinagpaliban ang expansion plan para makatipid at dahil hindi na kaya ng employer ang gastos.
Isa pa umanong istratehiya para maibsan ang epekto ng TRAIN law ay dinodoble ang trabaho ng empleyado gaya sa BPO kung saan mula sa 50 calls kada araw ay obligado na ang call center agent na kumuha ng 100 calls per day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.