Mga senador ikinalugod ang paglagda ng pangulo sa bagong bersyon ng anti-hazing law

By Rhommel Balasbas July 12, 2018 - 03:41 AM

Umaasa ang mga senador na matutuldukan na ang karahasan at insidente ng pagkamatay sa mga fraternity, sorority at iba pang mga samahan sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mas pinatibay na anti-hazing law.

Ang principal sponsor ng nasabing batas na si Sen. Panfilo Lacson ay umaasang magsisilbing instrumento ang pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III na mahinto na ang pagsasagawa ng ‘hazing’ para lamang sa ngalan ng kapatiran.

Iginiit ng senador na ang ‘hazing’ ay karahasan at pang-aabuso lamang.

Para naman kay Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, naisilbi na ang hustisya para kay Atio, sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Bagaman anya hindi na mababalik ng batas ang buhay ni Atio, ang kanyang pagkamatay ay nag-iwan ng legasiya para tuldukan na ang karahasan sa mga fraternity.

Hinimok naman ni Sen. Nancy Binay ang mga alagad ng batas na panagutin ang sinumang makikiisa sa naturang uri ng karahasan at bantayan ang mga organisasyon na nagsasagawa ng initiation rites.

Ayon kay Binay ay dapat nang tigilan ang pananakit sa kapwa,

Ganito rin ang sentimyento ni Senator Paolo Benigno Aquino IV at sinabing ang pinatibay na anti-hazing law ay isa sa mga hakbang upang matigil na ang kultura ng karahasan sa bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic 11053 o ang “Anti-Hazing Act of 2018” noong pang June 29 at inilabas ang kopya ng naturang batas sa media kahapon, Miyerkules, July 11.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.