Nakumpiskang shabu sa ilalim ng drug war umabot na sa mahigit 2,700 kilo – PDEA

By Rhommel Balasbas July 12, 2018 - 04:36 AM

Umabot na sa kabuuang 2,738.73 kilo ng shabu o may halagang P14.66 bilyon ang nakumpiska sa mga anti-illegal drug operations sa buong bansa mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2018 ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isang press briefing para sa ulat tungkol sa drug war o #RealNumberPH, sinabi ng ahensya na tumaas ang nakumpiskang shabu ng 60.12 kilograms o katumbas ng P315.01 milyon kumpara sa naunang datos noong May 15, 2018.

Ayon kay PDEA spokesman Derrick Carreon, nakumpiska ang pinakamalaking bahagdan ng shabu mula sa smuggling na may 714.92 kilograms at mga napasok na shabu labarotaoris na may 318.39 kilograms.

Iginiit pa ni Carreon na ang kabuuang bilang ng nakumpiskang droga, kemikal at mga kagamitang ginagamit sa paggawa nito ay umabot na sa P21.29 bilyon o mas mataas ng P516.73 milyon sa naunang datos noong din May 15, 2018.

Ipinagmalaki rin ng ahensya na sa kabuuang 42,036 barangay sa bansa ay umabot na sa 6,562 ang idineklarang drug-cleared mula July 1,2016 hanggang May 31, 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.