Trapik sa NLEX sa Sabado, inaasahang bibigat dahil sa ‘AlDub’
Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway at mga lansangan patungong Philippine Arena sa Bulacan sa araw ng Sabado.
Ito’y dahil sa dadagsa ang mahigit ang 55,00 katao na nakabili na ng tiket para mapanood ang “Sa Tamang Panahon” grand celebration ng Kalyeseryeng ‘AlDub’ ng Eat Bulaga na gaganapin sa Philippine Arena.
Sa loob lamang ng dalawang araw, ‘sold out’ na ang ticket para sa naturang programa na kinatatampukan nina Alden Richardds at Maine Mendoza.
Sa kabila nito, marami pang mga sumusuporta sa ‘AlDUb’ ang humihiling na buksan na rin sa publiko ang Philippine Sports Stadium na katabi lamang ng Philippine Arena upang makapanood din sila ng ‘live’ ng AlDub sa naturang araw.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao, maglalagay ng karagdagang tauhan ang MMDA sa Balintawak at Mindanao Ave., sa Quezon City na patungong NLEX.
Inaabisuhan din ng MMDA ang mga motorista na maagang planuhin ang kanilang mga byahe sa naturang araw upang hindi maipit sa posibleng trapik na maaring idulot ng programa ng ‘Eat Bulaga’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.