Kaanak ng umano’y detenidong ministro ng INC, humingi ng tulong sa Korte Suprema

October 22, 2015 - 04:07 AM

 

supreme-courtDumulog na sa Korte Suprema ang mga kamag-anak ng isang dating ministro ng Iglesia ni Cristo na umano’y kasalukuyang nasa kustodiya ng INC na obligahin ang naturang samahang pang-relihiyon na ilantad ito sa lalong madaling panahon.

Sa petisyong inihain ng mga kaanak ni dating INC minister Lowell Menorca, nais ng mga itong mag-isyu ng writ of habeas corpus ang SC upang ilantad ng liderato ng INC sa korte ang umano’y detenidong dating ministro ng kanilang simbahan.

Sa petisyon , isinasaad na pinipigilan ng liderato ng INC si Lowell, ang kanyang misis na si Jinky , anak at maging ang kasambahay na makalabas ng INC compound sa Quezon City.

Hiling din ng kapatid ni Lowell na si Anthony at kapatid ng asawa nito na si Jungko na naghain ng petition, iharap ng liderato ng INC ang pamilya sa korte.

Si Lowell ay isa sa naakusahang nagpapakalat ng mga mapanirang akusasayon laban sa ‘Sanggunian’ ng INC.

Matatandaang sumiklab ang kontrobersiya sa Iglesia nang ilahad sa isang videopost ng mag-inang Angel at Tenny Manalo na nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ng liderato umano ng Iglesia noong Hulyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.