Publiko, hindi dapat maalarma sa kaso ng patayan sa ilang local officials – PNP

By Angellic Jordan July 10, 2018 - 10:28 AM

INQUIRER.net

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ikaalarma ang publiko kasunod ng pagpaslang sa tatlong lokal na opisyal sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na hindi dapat mangamba rito. Hindi rin aniya ito hahantong sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong bansa taliwas sa mga sinasabi ng ilang kritiko. Dagdag pa nito, walang kinalaman ang mga kaso sa sinasabing planong destabilisasyon ng ibang sektor sa gobyerno. Matatandaang magkakasunod na pinatay sina Tanauan, Batangas City Mayor Antonio Halili, Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan noong nakaraang linggo.

TAGS: local officials, Oscar Albayalde, patayan, Philippine National Police, local officials, Oscar Albayalde, patayan, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.