LOOK: Yellow warning level itinaas ng PAGASA sa Batangas at Bataan

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 10, 2018 - 08:09 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Batangas at Bataan.

Sa rainfall advisory ng PAGASA na inilabas alas 8:00 ng umaga, yellow warning ang umiiral sa dalawang lalawigan.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang iiral pa rin sa Metro Manila, Laguna, Rizal at Bulacan sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan na rin sa Cavite at Southern Zambales.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

 

TAGS: bataan, Batangas, heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning level, bataan, Batangas, heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.