Typhoon Gardo humina, patuloy na palalakasin ang Habagat na nagpapaulan sa Luzon at Visayas

By Dona Dominguez_Cargullo July 10, 2018 - 05:41 AM

Bahagyang humina ang Typhoon Gardo pero patuloy nitong pinalalakas ang Habagat na naghahatid ng pag-ulan sa Luzon at Visayas.

Huling namataan ang bagyo sa layong 760 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 170 kph at pagbugsong 210 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 30 kph sa direksyong West Northwest.

Dahil napanatili ng bagyo ang bilis nito, maaring mamayang gabi o bukas ng umaga ay lalabas na ito ng bansa.

Sa pagtaya ng panahon ng PAGASA ngayong araw, ang Metro Manila, Palawan, Mindoro, Romblon, Zambales, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Bataan ay makararanas ng malakas na pag-ulan dahil sa Habagat na maaring magdulot ng landslides at flash floods.

Sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at sa Western Visayas, kalat-kalat na pag-ulan lamang ang mararanasan dahil pa rin sa Habagat.

Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

TAGS: Bahagyang humina, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Luzon, Metro Manila, Mindoro, pag-ulan, Palawan, Pampanga, pinalalakas ang Habagat, Romblon, Typhoon Gardo, Visayas, zambales, Bahagyang humina, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Luzon, Metro Manila, Mindoro, pag-ulan, Palawan, Pampanga, pinalalakas ang Habagat, Romblon, Typhoon Gardo, Visayas, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.