Sinasabing biktima sa pamamaril sa Muntinlupa, itinuturing nang suspek
Inaresto ng mga otoridad ang sinasabing biktima sa pamamaril noong Linggo ng hapon sa Barangay Soldiers Hills, Muntinlupa City.
Batay kasi sa nakuhang CCTV footage sa lugar ng Muntinlupa Police, mismong ang nagmamaneho ng pulang Toyota Vios na si Romil Cuambot ang una at tanging nagpaputok ng baril patungo sa mga itinuturing na suspek na sina Pedro Delgado at Alfredo Alcaraz.
Ang naturang pamamaril ay nagresulta sa agarang pagkamatay ni Delgado, at pagkasugat ni Alcaraz na ngayon ay nagpapagaling sa Medical Center Muntinlupa hospital.
Ayon pa sa Special Investigation Team (SIT) Delgado ngMuntinlupa Police, hindi nagtutugma ang naging testimonya ni Cuambot sa nakuha nilang CCTV footage.
Umamin rin si Cuambot na pinaputukan niya sina Delgado at Alcaraz.
Batay rin sa ballistic examination ng mga baril na narekober mula kina Delgado at Alcaraz na kapwa kumpleto ang mga bala sa loob ng kanilang mga armas. Ibig sabihin, hindi nila nagamit sa pamamaril ang mga ito.
Lumabas pa sa eksaminasyon ng SOCO na ang mga bullet holes sa Vios ay nanggaling sa pagpapatuok ng baril mula sa loob ng nasabing sasakyan.
Mahaharap ngayon si Cuambot sa kasong murder at frustrated murder.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, unang lumabas na ang anak ni Cuambot na si PO1 Danilo Cuambot ang nakapaslang kay Delgado matapos itong mapagkamalan bilang kanyang ama.
Napag-alaman pa na si Delgado ay isang dating pulis na huling nadistino sa Mindanao bago mag-AWOL (absence without leave).
Mayroon ding standing warrant si Delgado para sa kasong kidnapping, bukod pa sa ibang kasong nakasampa laban sa kanya katulad ng illegal discharge and possession of firearms.
Dahil dito ay inilagay siya ng Muntinlupa Police sa kanilang listahan ng mga high value target.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.