Nasawi sa pagbaha sa Japan 85 na; 2 milyon ang inilikas

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 09, 2018 - 06:32 AM

AP Photo

Umabot na sa 85 ang nasawi at nasa dalawang milyong katao ang inilakas dahil sa pag-ulan na dulot din ng Habagat.

Ayon sa mga otoridad, maliban sa 85 na naitalang patay, mayroong pang 58 ang nawawala bunsod ng pagbahang idinulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Ang nararanasang pag-ulan ay nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog, ayon kay Cabinet Secretary Yoshihide Suga.

Sa Kyoto at Hiroshima, daan-daang mga bahay ang nawasak.

Una rito ay itinaas ng Japan Meteorological Agency ang alert system nito sa highest level sa malaking bahagi ng western Japan.

Marami pang indibidwal ang nasa bubungan ng kani-kanilang mga tahanan at naghihintay na sila ay masagip.

TAGS: Japan, Radyo Inquirer, weather, Japan, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.