Pagpatay kay Vice Mayor Lubigan posibleng dahil sa pulitika

By Chona Yu July 08, 2018 - 08:54 PM

Cavite Provincial Police Office

Pulitika ang nakikitang anggulo ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senior Superintendent Benigno Durana Jr. na sa ngayon, isang special investigation task force na ang binuo ng kanilang hanay na tututok sa pag-iimbestiga sa kaso ni Lubigan.

Nabatid na balak tumakbo ni Lubigan sa mas mataas na posisyon sa darating na 2019 elections.

Nasa ikatlong termino na ngayon si Lubigan bilang vice mayor ng Trece Martires City, Cavite.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.