Pag-amyenda sa Saligang Batas hindi pa napapanahon — VP Robredo
Hindi pa napapanahon para kay Vice President Leni Robredo ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Ito ang naging pahayag ng ikalawang pangulo kasunod ng pag-apruba ng binuong Consultative Committee (Con-Com) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa final draft ng panukalang federal Constitution.
Ayon kay Robredo, sa ngayon ay dapat munang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mas malalaking isyu na kinakaharap ng bansa katulad ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at karahasan.
Aniya, mas mahalagag masolusyunan ang naturang mga problemang nararanasan ng bansa.
Dagdag pa ni Robredo, ang usapin tungkol sa paglilipat ng porma ng pamahalaan patungong pederalismo ay hindi isang bagay na minamadali.
Aiya, dapat malalimang pag-aaral at konsultasyon ang isinasagawa para dito upang hindi maisugal ang kinabukasan ng buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.