Ilang residente nagbigay ng huling pamamaalam kay Halili
Daan-daang residente ang nagparating ng huling pamamaalam kay Tanauan, Batangas City mayor Antonio Halili.
Nagsuot ng damit na kulay dilaw, itim at puti ang mga nakiisa sa necrological mass para sa alkalde sa St. John the Evangelist Parish.
Binaril si Halili sa kasagsagan ng flag-raising ceremony sa lungsod noong July 2.
Nakilala si Halili sa kaniyang “walk of shame” parade para sa mga nahuhuling sangkot sa ilegal na droga sa lugar.
Si Halili ang una sa tatlong pinatay na city officials ng mga hindi nakikilalang gunman sa nagdaang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.