Viral ngayon sa social media ang ilang mga larawan ng Duterte’s Kitchen, na ngayon ay isa nang tindahan ng ukay-ukay.
Ang Duterte’s Kitchen, na matatagpuan sa EDSA Cubao, Quezon City, ay inilunsad noong Oktubre 2016 upang mapakain ang mga batang lansangan o mga taong walang makain.
Kabilang sa mga inihahain sa Duterte’s Kitchen ay libreng lugaw.
Ang PDP-Laban ang nag-adopt ng naturang proyekto, na ginawa na noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City noong siya alkalde pa.
Pero sa mga lumutang na litrato, makikita na ang dating mala-karinderya ay isa nang tindahan ng mga damit.
Tanong ng netizens, ano na ang nangyari sa Duterte’s Kitchen.
Pero sa Facebook page ng Duterte’s Kitchen, nabanggit na nasa transition period ang paglilipat ng kainan.
Sa ngayon aniya ay umiikot araw-araw sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at sa mga iba’t ibang lalawigan ang Duterte’s kitchen.
Nag-aalok din ang kanilang mobile kitchen sa mga lugar na nasunugan at naghahatid ng lugaw sa mga mahihirap na eskwelahan.
Saad pa sa post na sa panahon ng kalamidad, tahimik na dumadating ang Duterte’s Kitchen upang mapakain ang mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.