Nasunog ang isang restaurant sa Timog Avenue, sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, dakong 11:30 ng Sabado ng gabi nang mag-umpisa ang sunog sa Le Ching Tea House.
Itinaas ito sa unang alarma, kaya agad na rumesponde ang mga bumbero.
Ngunit wala pang isang oras ay idineklara nang fire-out ang sunog.
Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog, pero iniimbestigahan na ito ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.