Vice Mayor ng Trece Martires, Cavite at driver patay sa pananambang; bodyguard sugatan
Patay matapos na tambangan ang vice mayor ng Trece Martires, Cavite pasado alas-3:00 ngayong hapon.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Cavite police director Senior Supt. William Segun, base sa mga pulis na unang rumesponde sa pangyayari, patay si Vice Mayor Alexander Lubigan matapos pagbabarilin sa harapan ng isang Korean hospital sa Trece-Indang road.
Nabatid na pauwi na sakay ng Toyota Hilux ang bise alkalde nang tambangan ng suspek na sakay ng isang Mitsubishi Montero.
Sugatan sa pamamaril bodyguard ni Lubigan. Nasawi naman ang driver ng bise alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.