Higit 300 huli sa paglabag sa ordinansa sa South Metro Manila
Hindi bababa sa 300 katao ang hinuli ng Southern Police District (SPD) na lumabag sa local ordinances sa Southern part ng Metro Manila.
Sa tala ng SPD, umabot ng 315 ang dinakip mula 5:00, Biyernes ng umaga (July 6) hanggang 5:00, Sabado ng umaga (July 7).
Mula sa naturang bilang, 22 ang naaktuhang umiinom sa pampublikong lugar, 24 ang half-naked o walang suot pang-itaas, apat na umiihi sa kalsada at isang lumabag sa jaywalking.
172 naman ang nahuling menor-de-edad na lumabag sa ipinatupad na curfew habang 92 naman ang naninigarilyo.
Ito ay kasunod pa rin ng pinaigting na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa anti-tambay campaign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.