Leptospirosis outbreak, idineklara sa apat pang barangay sa Caloocan

By Angellic Jordan July 07, 2018 - 09:26 AM

Inquirer file photo

Hindi bababa sa apat na barangay sa Metro Manila ang idineklara ng Department of Health (DOH) na pagkakaroon ng Leptospirosis outbreak.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mula sa 18, umabot na sa 22 na barangay ang may outbreak.

Aniya, apektado na rin ang ilang barangay sa Caloocan City kung saan nakapagtala pa ng tatlong kaso ng sakit sa barangay 176.

Unang idineklara ng kagawaran ang Leptospirosis outbreak sa pitong lungsod sa Metro Manila noong Huwebes, July 5.

Ang Leptospirosis ay impeksyon na nakukuha sa ihi ng mga hayop, gaya ng daga.

Paliwanag ng kalihim, idinideklara ang outbreak sa isang lugar kung lalagpasan ang karaniwang bilang ng mga kaso sa huling limang taon.

Hiniyakat naman ni Duque ang mga local government units na paigtingin ang rodent control, flood control at istriktong pagpapatupad ng pagkokolekta ng basura sa mga lugar.

TAGS: caloocan, doh, Health, Leptospirosis, caloocan, doh, Health, Leptospirosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.