38 biktima ng illegal recruitment, nasagip sa Maynila

By Rhommel Balasbas July 07, 2018 - 05:49 AM

Nasagip ng mga operatiba ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang 38 katao na biktima ng illegal recruitment sa San Andres Bukid, lungsod ng Maynila.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga nasagip ay nagmula sa Visayas at Mindanao na pinangakuan ng trabaho abroad partikular sa Saudi Arabia at Jordan.

Nagsimula ang operasyon ng MPD matapos makatakas ang apat sa mga biktima na pawang ikinulong.

Anila, ikinulong sila sa isang bahay ng apat na buwan at hindi pinayagang makalabas taliwas sa pangakong trabaho sa labas ng bansa.

Bagaman nasagip ang mga biktima na ngayon ay nasa kustodiya na ng Manila Social Welfare Department ay walang namang natimbog na illegal recruiter.

Hinuli naman ng mga awtoridad ang caretaker ng bahay kung saan ikinulong ang mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.