Palasyo, inutusan ang ERC na ipatupad na ang suspensyon vs. 4 na opisyal

By Marilyn Montaño July 07, 2018 - 05:42 AM

Inutusan ng Malakanyang si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera na ipatupad na ang suspensyon ng Office of the Ombudsman laban sa 4 na opisyal ng ahensya.

Inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum bilang pagsunod sa utos ng Ombudsman noong May 18 na suspendihin sina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricial Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana sa loob ng 3 buwan dahil sa neglect of duty o pagpapabaya sa trabaho.

Sinabi Atty. Rolando Faller, abogado ng apat na opisyal, wala pa silang natanggap na kopya ng utos ni Medialdea. Handa anya ang apat na opisyal na sundin ang utos ng Palasyo oras na maisilbi ang utos ng suspensyon.

Nag-ugat ang suspensyon sa reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE).

Inakusahan ang mga ERC officials at ang Manila Electric Company (Meralco) ng umanoy syndicated estafa kaugnay ng hindi awtorisadong paggamit ng bill deposits ng mga consumers at ang hindi patas o discriminatory fixing of interest return sa naturang mga deposito.

Una nang hiniling ng 4 na commissioners sa Court of Appeals na ipawalang bisa ang suspensyon sa kanila

Bago nito ay pinatawan ang 4 na ERC commissioners ng 1 taong suspensyon kaugnay ng umanoy maanomalyang transaksyon sa power generation companies na affiliated sa Meralco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.