Dela Rosa, hinihiling sa Kongreso na dagdagan ang pasilidad ng BuCor
Hiniling sa Kongreso ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Director General Ronald dela Rosa na madagdagan ang kanilang pasilidad.
Ayon kay Dela Rosa, lampas na sa kapasidad kaya siksikan ang mga kulungan ng ahensya.
Binanggit nito ang maximum security compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa na mayroong 18,000 na preso na dapat ay 5,000 lamang.
Naghahanda ngayon ang BuCor sakaling ma-convict ang mahigit 100,000 na drug suspects na inaresto sa ilalim ng kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Nais ng ahensya na madagdagan ng kahit ilan ang kanilang pasilidad dahil hindi natuloy ang pagpapatayo ng mega prison facility sa Nueve Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.