LOOK: Bahagi ng EDSA at iba pang kalsada maaapektuhan ng reblocking ngayong weekend
Muling magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) sa bahagi ng EDSA at iba pang lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro ang repair works ay mag-uumpisa alas 11:00 ng gabi mamaya (July 6).
Apektado ang sumusunod na bahagi ng EDSA:
EDSA Southbound
- Arayat Street patungong Ignacio Diaz, 4th lane mula sa sidewalk
- Harap ng Francesca Tower hanggang Scout Borromeo, 3rd lane mula sa center island
EDSA Northbound
- Vertis North hanggang Trinoma Mall, 2nd lane mula sa sidewalk
Samantala ang iba pang lugar na magkakaroon ng road reblocking ay ang mga sumusunod:
Southbound
- Nagtahan Bridge Service Road, mula J. P. Laurel hanggang Ampil Street
Northbound
- Batasan Road, mula Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan Street, 1st lane
- H. Lacson Avenue, malapit sa Aragon Street
- Congressional Avenue, bago ang Jupiter Street, 1st lane
- Fairview Avenue, mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision, 3rd lane
Ayon sa DPWH, gagamit sila ng 1 day curing concrete mix kaya sa Lunes, July 9, alas 5:00 ng umaga ay mabubuksan na sa mga motorista ang mga aayusing kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.