Pulis, 4 na iba pang sangkot sa pagdukot sa mga dayuhan, arestado

By Jan Escosio July 06, 2018 - 12:55 PM

Arestado ang isang aktibong pulis at apat sa mga kapwa niya miyembro ng diumano’y sindikato na dumudukot sa mga banyaga.

Isinagawa ang entrapment operation sa N. Garcia St., Brgy. Poblacion sa Makati.

Doon nahuli si PO2 Jaycee Abana, 28, isang police traffic investigator sa lungsod.

Kasama din sa mga naaresto sina Mohalem Macamundag, Mohammad Macamundag, Mohalil Macamundag at Wenceslao Sevellejo.

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario, nagpasaklolo sa mga otoridad ang kaibigan nina Chang Bo Fang at Fang Zhang Bao dahil hawak umano ang dalawang dayuhan ng limang hindi nakilalang lalaki.

Nabatid na ang dalawa ay sakay ng isang Lexus sedan nang pailawan sila ng kasunod nilang Mitsubshi Montero gamit ang police blinkers.

Nang ihinto ng dalawa ang kanilang sasakyan ay isang lalaki mula sa Montero ang bumaba at agad silang tinutukan ng baril bago kinuha ang kanilang wallet.

Sinabi ni Changbo na inutusan siya ng mga suspek na tumawag sa kanyang mga kaanak at tubusin siya sa halagang P1 Milyon.

Nakipag-usap si Changbo at naibaba ang halaga sa P80,000 at kasunod na nito ang entrapment operation laban sa sa mga suspek.

 

TAGS: makati city, metro, police traffic investigator arrested for kidnapping, Radyo Inquirer, makati city, metro, police traffic investigator arrested for kidnapping, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.