Abu Sayyaf na dumukot sa isang mining executive, naka-engkwentro ng mga otoridad

By Jan Escosio October 21, 2015 - 07:45 AM

PatikulHalos isang oras matapos ma-recover ng mga otoridad kagabi ang Finance Officer ng isang mining company na si Priscillano Garcia sa Jolo, Pier ay nakasagupa naman ng mga sundalo ang nasa 100 miyembro ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Arrojado, ang commander ng joint task group Sulu, alas 10:20 ng gabi nang maka-engkwentro ng mga miyembro ng kanilang 32nd infantry batallion ang grupo ni Radulan Sahiron sa Sitio Kantabia, barangay Buhanginan sa Patikul.

Aniya tumagal ng dalawampung minuto ang palitan ng mga putok at walang napaulat na namatay o nasugatan sa magkabilang panig.

Nabatid na 6:30 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang Joint task group Sulu sa paglaya ni Garcia Indanan at ito ay pasakay na umano ng barko na patungo sa Zamboanga City sa Jolo Pier nang maabutan ng mga sundalo at pulis alas 9:30 ng gabi.

Sinasabi na pinalaya si Garcia para mahinto ang mga operasyon ng militar laban sa grupo ni Sahiron ngunit may iba namang ulat na ito ay kusang nakatakas.
Magugunita na dinukot si Garcia noong nakaraang buwan ng Abril sa Bongao, Tawi-Tawi.

Matapos sumailalim sa medical check-up at debriefing ay dinala si Garcia sa Zamboanga City sakay ng isang multi-purpose assault craft ng Philippine Navy.

TAGS: PatikulSulu, Priscillano Garcia, PatikulSulu, Priscillano Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.