F2 Logistics tinalo ang Generika-Ayala sa PSL

By Justinne Punsalang July 06, 2018 - 12:00 AM

Wagi ang F2 Logistics Cargo Movers kontra Generika-Ayala Life Savers sa kanilang naging tapatan kagabi para sa Philippine Superliga Invitational Conference na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Natapos ang kanilang laro sa iskor na 25-20, 25-16, at 25-20 lahat pabor sa Cargo Movers.

Dahil dito, wala pang talo ang koponan na mayroong win-loss record na 2-0 habang 2-1 naman ang hawak ngayon ng Life Savers.

Ayon sa head coach ng F2 na si Ramil De Jesus, malaki ang naitulong ng kanilang paglaban kamakailan sa Thailand para sa Sealect Tuna Invitational Championship, kung saan umabot sila hanggang semifinals.

Aniya, bagam hindi sila nanalo sa naturang torneo ay naranasan ng mga manlalaro ng Cargo Movers ang mataas na lebel ng kumpetisyon na kanilang ginagamit ngayon sa kanilang mga laban.

Pinangunahan ni Ara Galang ang koponan matapos niyang makapagbigay ng 9 puntos.

9 na puntos rin ang ibinigay ni Patty Orendain para sa Generika-Ayala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.