Tiniyak ng Malacañang na bababa rin ang pamasahe sa jeepney kapag bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ang Train Law ang sanhi ng pagtatas ng pamasahe sa jeepney.
Sa ngayon aniya, umaarangkada na ang pagbili ng Pilipinas ng murang diesel sa bansang Russia.
Aminado si Roque na sa ngayon walang sapat na depot ang Pilipinas na maaring pag-imbakan ng aangkating diesel.
Dahil dito, sinabi ni Roque na hinihimok ng palasyo ang mga nasa pribadong sektor ng enerhiya na magtayo ng mga depot at mag-focus sa energy security.
Bukod dito, sinabi ni Roque na ipamamahagi na ng gobyerno ang dalawang P200 na buwanang unconditional cash transfer program para sa mga mahihirap na Filipino.
Bagaman hindi makasasapat, sinabi ni Roque na makaka-agapay na rin ito para sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tsuper ng jeepney.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.