Pangulong Duterte nababahala sa quo warranto petition na inihain ni Atty. Ely Pamatong laban sa kanya
May problema si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati ng pangulo sa 117th anniversary ng Office of the Solicitor General (OSG), sinabi nito na balita niya kasi ay handa na raw ang Supreme Court (SC) na magdesisyon sa quo warranto petition na inihain ni Atty. Ely Pamatong laban sa kanya.
“May problema ako kasi ang balita ko sa Supreme Court ready na daw ‘yung decision sa quo warranto at I’m also due for ouster kagaya ni [Sereno], yung finile ni Pamatong.” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, hindi bale kung patatalsikin siya ng kataas-taasang hukuman dahil masaya siyang bababa sa pwesto at uuwi na lamang ng Davao.
Aminado ang pangulo na delikado siya kay Pamatong pero magiging patong-patong naman ang problema ng bayan kung si Pamatong ang mamamahala sa bansa.
“Ah ‘di bale uuwi na lang ako sa amin. I would be happy to step down,” Delikado rin ako kay Pamatong. Patong-patong ‘yang problema natin pero sige lang.” ayon sa pangulo
Sinabi pa ng pangulo na hahayaan na lamang niya hanggang diyan na lamang ang kanyang kapalaran.
Matatandaan na noong Hunyo dumulog si Pamatong sa kataas-taasang hukuman para ipawalang bisa ang pagkakapanalo ni Duterte bilang pangulo ng bansa dahil sa kabiguan na maghain ng certificate of candidacy (COC) sa takdang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.