Bagyo sa labas ng PAR, inaasahang papasok ng bansa sa Linggo o Lunes
Inaasahang papasok sa darating na Linggo o Lunes sa northeastern boundary ng Philippine Area of Responsbility (PAR) ang bagyong binabantayan ng PAGASA na sa ngayon ay may international name na ‘Maria’.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,210 kilometro Silangan ng Visayas.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran at tatawagin na ‘Gardo’ pagpasok ng PAR na inaasahang magpapaibayo sa hanging Habagat kahit hindi tatama sa anumang kalupaan.
Ngayong araw ay iiral ang hanging Habagat sa Mindoro, Palawan at Western Visayas kung saan mararanasan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
‘Generally fair weather’ o maalinsangang panahon ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila maliban sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.