Allowance at benepisyo ng mga government employees taxable ayon sa SC
Pwedeng patawan ng buwis ang mga allowance at ilang benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno.
Desisyon ito ng Korte Suprema sa petisyong inihain noong 2014 ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) at ilang grupo ng mga Regional Trial Court judges sa Manila at Iloilo City na kumuwestyon sa validity ng Revenue Memorandum Order (RMO) 23-2014.
Ayon sa petitioners, pinangunahan ng RMO ang kalayaan at hudikatura at ipinatupad ito kahit walang due process.
Wala anilang basbas ang tax memorandum mula sa noo’y Department of Finance (DOF) Secretary Cesar Purisima at ng Kongreso na nagpatupad sa batas sa ilalim ng administrasyong Arroyo na nagbibigay ng special allowances sa mga mahistrado, hukom at mga empleyado ng korte.
Pero sa unanimous vote, pumabor ang Supreme Court sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsabing lahat ng kitang natanggap ng empleyado ay itinuturing na taxable at pwedeng patawan ng withholding tax.
Sinabi pa ng Korte na ang gobyerno bilang employer ay may obligasyon na magpataw ng buwis sa mga allowance ng government employees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.