Pulong nina Duterte at CBCP Pres. Valles, hindi special meeting – Palasyo

By Chona Yu July 04, 2018 - 12:28 PM

Free flowing discussion ang inaasahang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles sa Lunes ng hapon sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang pre-agreed agenda na inihanda para sa nakatakdang pagkikita ng dalawa.

Ordinaryong meeting at hindi special meeting ang mangyayari sa dalawa dahil bukas naman ang linya ng komunikasyon ng pangulo at ni Valles.

Magkaibigan at magkababayan aniya ang turingan ng dalawa.

Naniniwala naman si Roque na mas mapagtutuunan ng pansin sa nakatakdang dayalogo ang mga nakaraang naiulat na insidente ng pagkakapatay sa ilang alagad ng simbahan.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit naitakda ang pagkikita sa Lunes at hindi naman tungkol sa naging pahayag kamakailan ni Pangulong Duterte na estupido ang Diyos.

TAGS: Archbishop Romulo Valles, Rodrigo Duterte, Archbishop Romulo Valles, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.