Komunsitang grupo, balak patalsikin si Pangulong Duterte sa Oktubre

By Rohanisa Abbas July 04, 2018 - 11:08 AM

May niluluto umanong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ang komunistang grupo sa Oktubre, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ipinahayag ni AFP spokesman Colonel Edgard Arevalo na nakalap nila ang impormasyon batay sa mga dokumentong narekober ng mga sundalo. Aniya, kinumpirma rin ito ng mga sumukong myembro ng New People’s Army.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Arevalo kung saan narekober ang mga ito. Tiniyak ng AFP na tunay ang mga impormasyong nakakap nila sa mga komunsitang rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Arevalo, nabuo ang plano ng NPA sa mga panahong pansamantalang itinigil ang mga operasyon dahil sa tigil-putukan.

Itinanggi naman ng opisyal na idetalye ang umano’y plano ng NPA na pagpapatalsik kay Duterte.

Ipinahayag ito ng AFP kasunod ng pag-anunsyo na irerekomenda nito sa Pangulo na wakasan na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

TAGS: AFP, NPA, Oktubre, Pangulong Duterte, AFP, NPA, Oktubre, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.