3 isyu sinisilip ng PNP sa pagpatay kay Mayor Bote

By Erwin Aguilon July 04, 2018 - 09:41 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlong isyu ang pinag-aaralan ngayon ng Special Investigation Task Group FB Bote sa ambush kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director, Chief Supt. Amador Corpuz ito ang nakikita nilang posibleng dahilan ng pamamaslang kay Mayor Bote.

Gayunman, tumanggi si Corpuz na idetalye ito.

Nilinis naman ng opisyal ang posibilidad na isyu ng droga sa pagpatay dito sapagkat ayon dito hindi naman kasama sa narco-list ni Pangulong Durterte si Mayor Bote.

Masyado pa naman anyang maaga upang sabihin kung ano ang motibo sa krimen pero lahat anya ng anggulo ay kanila nang pinag-aaralan.

Nakausap na rin anya nila ang security ng alkalde at sinabing walang banta sa buhay nito.

Sa katunayan nga anya ay sanay itong lumakad na walang body guard.

Mayroon ayon kay Corpuz na dalawang police security details ang alkalde pero hindi niya ito isinasama sa mga lakad kaya ilang araw na ang nakalipas nang paalalahanan nila si Mayor Bote na isama ang kanyang mga police escorts.

TAGS: Chief Supt. Amador Corpuz, General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, Special Investigation Task Group FB Bote, Chief Supt. Amador Corpuz, General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, Special Investigation Task Group FB Bote

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.