Higit sa 100 government websites offline dahil sa sirang server
Ilang oras nang hindi ma-access ang higit sa 100 mga government website.
Sa inilabas na advisory ng Department of Information and Communication Technology (DICT), mula kaninang alas-tres ng madaling araw ay offline na ang 170 government websites dahil sa nag-malfunction na server.
Katuwang ng DICT ang IBM sa pagsasa-ayos nang naglokong server ayon sa tanggapan ni Sec. Eliseo Rio.
Inamin rin ng DICT na kahapon pa nila napansin ang na nagloloko ang ilang server na pag-aari ng pamahalaan.
Kaagad rin nila isinasangtabi ang anggulo ng pananabotahe pero ito ay kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng kagawaran.
Ipinaliwanag pa ng DICT na posible ang malfunction sa mga server ng gobyerno dahil karamihan sa mga ito ay luma na.
Posible umanong abutin ng ilang araw bago muling maibalik sa grid ang mga offline na government websites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.