Maagang nagkaaberya ang isang train ng MRT 3, na nagdulot ng pagpapababa ng may 850 pasahero.
Nasiraan ang isang tren ng MRT Martes 7:53 ng umaga sa may bahagi ng Southbound (SB) lane ng GUADALUPE station dahil sa electrical failure sa motor ng tren.
Pero makalipas ng 5 minuto agad din dumating ang kasunod na tren at pinasakay ang mag pinababang pasahero.
Balik na sa normal ang operasyon ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.