Pagpili sa 4 na pelikulang unang pasok sa MMFF 2018, ipinaliwanag

By Rod Lagusad July 03, 2018 - 09:08 AM

Inquirer Photo

Ipinaliwanag ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, na siyang tumatayong chairperson ng 12-member selection committee, ang dahilan kung paano napili ang unang apat na pelikulang pasok sa taunang Metro Manila Film
Festival.

Ayon kay Lumbera, napili ang dalawang pelikula dahil sa magada nitong script habang ang dalawa naman ay dahil sa potensyal na maraming manonood dito.

Ang dalawang pelikulang napili dahil sa magandang pagkakasulat ng script mula sa 24 na isinumiteng mga sceipt ay ang horror-thriller film na “Aurora,” na pinagbibidahan ni Anne Curtis at ang love story na “Girl in the Orange Dress kung saan tampok sina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales at Sam Milby.

Habang dahil naman sa inaasahang hatak sa mga tao ay napili ang action-comedy flick fil na “Popoy En Jack: The Puliscredibles” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto at ang fantasy-comedy film na “Fantastica: The
Princess, the Prince and the Perya” kung saan bida si Vice Ganda.

Ang pinagbasehang criteria ng komite ay ang: 40 percent para artistic excellence, 40 percent para sa commercial appeal, 10 percent para sa pagkakaroon ng Filipino cultural sensitivity at 10 percent para naman sa pagkakaroon ng global appeal.

Pipiliin naman mula sa mga tapos na pelikula ang ang natitira pang apat na makakasama sa MMFF.

Nakatakada sa darating na September 21 ang deadline ng pagsusumite para dito.

TAGS: artistic excellence, Bienvenido Lumbera, chairperson ng 12-member selection committee, commercial appeal, Filipino cultural sensitivity, global appeal, MMFF 2018, National Artist for Literature, artistic excellence, Bienvenido Lumbera, chairperson ng 12-member selection committee, commercial appeal, Filipino cultural sensitivity, global appeal, MMFF 2018, National Artist for Literature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.