Ex-CJ Davide, hinimok ang JBC na irekonsidera ang desisyon ni Carpio na hindi isali sa CJ nomination

By Justinne Punsalang July 03, 2018 - 05:02 AM

Hinimok ni retired Chief Justice Hilario Davide Jr. ang Judicial and Bar Council (JBC) na huwag tanggapin ang desisyon ni acting CJ Antonio Carpio na huwag siyang isali sa listahan ng mga nominado para sa pagka-punong mahistrado, kapalit ng pinatalsik na si Maria Lourdes Sereno.

Matatandaang isa si Carpio sa anim na mga justices na bumoto laban sa quo warranto petition na nagtanggal sa pwesto kay Sereno. Paniwala nito, dapat lamang matanggal ang chief justice sa pamamagitan ng impeachment.

Sinabi na rin ni Carpio na hindi niya tatanggapin ang anumang nominasyon para palitan si Sereno dahil hindi siya pabor sa kung paano ito napatalsik.

Ayon kay Davide, dapat ay irekonsidera ni Carpio ang kanyang desisyon.

Aniya, hindi na dapat pairalin pa ang delicadeza dahil pinal na ang desisyon ukol sa quo warranto case ni Sereno, na nangangahulugang lehitimo ang pagkakabakante sa chief justice position.

Dagdag pa ng dating punong mahistrado, hindi dapat limitahan ni Carpio ang pagpipilian ng pangulo na maupo bilang pinuno ng Korte Suprema.

Aniya pa, batay sa tradisyon, ang limang pinaka-senior justices ng SC ay otomatikong nominado para sa posisyon ng chief justice.

Kaya naman ayon kay Davide, umaasa siyang hindi tatanggapin ng JBC ang desisyon ni Carpio at ikokonsidera pa rin itong nominado para sa pagka-punong mahistrado.

Kasalukuyang naka-upo si Carpio bilang acting CJ matapos ang rekomendasyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

TAGS: antonio carpio, Hilario Davide Jr., Judicial and Bar Council, antonio carpio, Hilario Davide Jr., Judicial and Bar Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.