Duterte, walang utos sa mga pulis na ihinto ang operasyon laban sa jueteng
Iginiit ni Pangulong Duterte na walang siyang ipinag-utos sa mga pulis na ihinto ang mga operasyon laban sa jueteng.
Kasunod ito ng mga pahayag ng mga kritiko na nagsasabing hinahaayan ni Duterte ang pamamayagpag ng operasyon ng jueteng.
Sa naging talumpati ng pangulo noong June 22, sinabi nito na dahil sa hindi mapalitan ng pamahalaan ang jueteng ay kanya aniyang hahayaan muna ito.
Sa naging panayam naman sa pangulo noong June 28, ay kanyang ibinabala na na maaring gamitin ng mga sindikato ng droga ang malawak na network para sa kalakarang ng ipinagbabawala na gamot kung kanyang ipag-uutos ang pagsasagawa ng operasyon sa jueteng.
Kaugnay nito, matapos ilunsad ng gobyerno ang small town lottery o STL ay nagagamit na rin ito bilang ‘front’ para sa operasyon jueteng sa ilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.