Kauna-unahang babaeng Mayor nahalal sa Mexico City
Nahalal ang kauna-unahang babae bilang mayor sa Mexico City.
Sa katatapos na eleksyon ang local politician at scientist na si Claudia Sheinbaum ang nagwagi.
Bagaman hindi pa inilalabas ang opisyal na resulta ng halalan, si Sheinbaum, 56 anyos ay malinaw na nagwagi bilang mayor sa pinakamalaking lungsod sa North America matapos makakuha ng boto na aabot sa 47.5 hanggang 55.5 percent.
Kauna-unahan ito sa kasaysayan na mayroong nahalal na babaeng mayor sa Mexico City.
Bagaman mayroon nang namunong babae noong sa lungsod sa katauhan ni Rosario Robles mula 199 hanggang 2000, ang kaniyang paninilbihan bilang mayor ay interim basis lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.